Quantcast
Channel: Pao Kun
Viewing all 34 articles
Browse latest View live

Quintessence

$
0
0
Umpisa palang, hindi na ako fan ng mga taong nagmamartir-martiran lang.

MARTIR. In english: Martyr. (Was this helpful?) HAHAH!

According to Merriam-Webster:

(1) a person who voluntaruly suffers death as the penalty of witnessing to and refusing to renounce a religion
(2) a person who sacrifices something of great value and especially life it self for the sake of people.\

Napaka noble ano?

Pero may mga taong namemeke lang ng kagitingan ng salitang ito.

Dun tayo sa pangalawang definition.

Yung ibang tao jan, nagpapakamartir para lang mapansin ng ibang tao (kalimitan e pag nagpapaimpress) ouch!;) Pero ang totoo naman e may ibang hangarin. So sige, kalimitan kay kras, may mga taong nagpapakamartir mapansin lang ni kras! o kapag nanliligaw. Pero pag sila na, wala na. Katapusan na rin ng false martyrdom. 

Ang pinakaayaw ko naman, na kadalasang nararanasan KO (at siguradong naranasan nyo na din) ay ang makasalamuha ng taong martir, ehem! Pekeng martir. Tipong magpapakamartir sila, pag tinitingnan mo sila halos mahulog ang loob mo sa kanila, na tila nasa tuktok ka ng Mount Everest at sila e nasakaibuturan ng Marianas Trench. Gusto mo silang tulungan pero syempre tatanggi sila, nagmamaasim pa (Tandaan: Yung mga nagmamaasim ang unang namamatay sa pelikula), iiling na parang kyut na kyut na tuta. Ikaw naman, abot langit ang konsensya. Kaso yun pala ginagawa lang nila yun at sinasadya para makonsensya ka, tapos sa bandang huli e isusumbat sayo! Ano 'to, lokohan? Ginusto mo yan in the first place. Walang sumbatan!

Naalala ko ang sinabi ng aking propesor sa pilosopiya nung nasa kolehiyo pa ako: "What more do you want, when you've done a man a service".  Wala lang, naalala ko lang (masingitan lang ng english). Feeling ko kasi may relevance sya jan.

Ang bottom line: Ang tunay na kawang gawa at totoong pagmamalasakit, walang hinihinging kapalit. 

:)


Early Worm

$
0
0
Lagi nalang kasing Early Bird ang napapansin. :) Oh BTW, I just had an idea sa word na "early bird" sa entry ni sir ZaiZai which he mentioned in his reply comment na masaya daw kapag early bird, which I seconded (About kasi sa foods yun, napaghahalata ang matakaw). HAHAH!

Maraming benefits ang pagiging early bird, unang una sa foods! sa pamumuhay. Kapag maaga kang gumising at gumayak at nagsimula, mas magiging produktibo ang iyong buong araw. Marami kang magagawa buong maghapon. Sa enrollment (review center), pag'early bird ka e may discount ka. At sa... basta, etc etc!;)

Okay, kwentong kuneho na.
***

Nung pauwi na ko, sumakay ako sa tricycle. Medyo traffic. Nasa backride ako. Sa likod mismo ng driver. Mura ng mura yung driver. Bakit daw kasi uso pa ang traffic. Tapos sigaw ng sigaw ng "ang inet!" tapos kada driver na makakasalubong e "o ano ano mainet?!" (yung kabilang lane lang ang nausad). Ewan ko kung ano yung sinasabi nyang mainit. E kasi naman gabi yon, mahangin. Maaliwalas naman ang paligid at carry lang ang panahon. ;) So tiningnan ko kung anong meron, yun pala nakashorts sya, tapos malapit sya sa makina at naiinitan yung mga binti nya. Kaya pala sya reklamo ng reklamo. Tiningnan ko yung driver, bata pa. Kaedad ko lang (bata pa ko ati koya). Pag tingin ko pa e parang namumukhaan ko. Kaklase ko pala sya nung elementary kame. May looks naman din, kaya nakakadami ng chiks nung HS na. Ayun, napasarap siguro sa pagkan panchichiks kaya maaga nakabuntis. Sa madaling salita, isa syang Early Bird Worm. Dahil din jan kaya napatigil sya ng pag-aaral at hindi na nakatapos. Napilitang magtrabaho ng maaga, gamit ang naiwang tricycle ng yumao nyang ama. Ang hirap ng buhay. Kitang kita ko ang hirap nila. Bata pa din yung asawa. Walang trabaho. Kasal naman sila, at alam ko kasi sa kapatid ko nanghiram ng susuotin nung kasal nila. 

Siguro nagsisisi sya sa ginawa nya. Masyado syang nag enjoy sa pagkabinata nya, ang hindi nya alam, mas malawak pa sana ang playground mundo nya kung medyo naghinay hinay sya. Marami na syang gustong gawin pero di na nya magagawa dahil may asawa na sya. Maraming "wants" para sa sarili pero hindi na pwede dahil may pamilya na syang dapat iprioritize. Pero at least nagsisikap sya. At hindi sya tumulad sa iba na tinatakasan ang problema.

Napaisip tuloy ako. Bakit kaya may mga taong hindi naiisip ang kanilang future, puro pag papakasaya lang sa present. Akala ba nila parang bahay bahayan lang ang magiging buhay nila? We're talking about future here. Security & Assurance, sa TOTOONG buhay. Kachaw! ;) Tsk! "Para!". Bumaba na ko sa tricycle. 

***

Isa pa. [Mahaba ang tenga ng kuneho. Maraming nasasagap. Chismoso. HAHAH!]

May nakachat ako sa FB, babae. Nagtatanong kung baby ko daw ba yung kasama ko sa photo ko. Sabi ko: "Ha? Anong baby? Nasaan?" Yung pala nasa kadulu-duluhang album na, sa madaling salita e nakapaghalikwat na at naghukay na sa baul ng FB ko ang babaeng to. HAHAH! 

Tinignan ko ang albums nya at nakitang may baby na pala sya. Sya naman ang tinanong ko kung anak nya yun. Oo daw. Tinanong ko kung nasan ang asawa. Wala daw. Puro pahirap at sakit lang naman daw ng ulo ang pag aasawa. May pahabol tanong pa syang "diba?" na umaasa sigurong sasang-ayunan ko. Pero hindi e. Sabi ko HINDI. Depende sa asawa. Ang "asawa" ang syang dapat na katuwang mo sa buong buhay mo, kasamang bubuo ng mga pangarap nyo. Kasama mo sa hirap at ginhawa... at (itanong nyo kay Mr.Father/Pastor sa kasal yung iba pa). Tapos hindi na sya nag reply. Ansama ko no? HAHAH! Pero nagsabi lang ako ng totoo. Pak! Philanthropist na kasi ako, ooh-raah! Echos lang.

***

Sana maraming kabataan ang matuto ng leksyon sa mga kapwa kabataan nila na nagiging "Early Worm". Pero sa nakikita ko, marami pa ring hindi nakakaintindi sa "hirap" na daranasin nila pag nagpadalos-dalos sila. :(

Kung tutuusin e wala akong karapatang magpayo about sa pag aasawa dahil hindi ko pa naman nararanasan yan. Ang taningn pinanghahawakan ko lang sa ngayon ay ang malawak na pang-unawa about sa matter (maarte pala) na yan. 

Buhay nga naman. ^^
***

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Salamat BDO sa gift na ito. :) Jan ko ilalagay ang lahat ng ma-wiwithdraw ko. HAHAH! ;)

Malambot pero makapal ang tela nya compared with other Eco bags


Inabot sakin ng kaibigan (who works there) kagabi, dahil 'daw' may account ako sa BDO. Ang totoo nyan P200 nalang natitira jan simula nung magbakasyon tumambay ako. Since mag papasko naman, bukal sa kalooban kong tumanggap ng cash at heto ang account number ko **********. HAHAH! 
Solomot! :3 (Hindi masama kung tototohonin ang ibang biro;))

Ciao! 


P.S. Wala pa akong baby. Naghahanap pa lang ng mommy. HAHAH! :)

Lazy Sunday

$
0
0
Kagabi (Sabado) may batang pumunta dito sa bahay para mag patulong pagawa ng kanyang proyekto.

Bata: Kuya padrawing ako.
Ako: Anong iddrawing?
Bata: Parang farm. Basta may nagtatanim.
Ako: Anong tinatanim?
Bata: Kahit ano.

(Sa isip ko lang) Kahit ano pala, sige, paano ko iddrawing ang taong nagtatanim ng sama ng loob sa gitna ng bukid? Chos!:)

Ako: Osige, akin na ang mga gamit mo.
Bata: Binigay sakin ang illustration board at lapis.

Wow. Old school. Walang pambura. HAHAH!

Kaninang umaga (Sunday) pinuntahan ako ng bata para kuhanin na ang project. Kainaman, hindi ko pa nasisimulan. HAHAH! Ang plano ko kasi gabi nalang. Yung tipong last minute na, yun bang puro adrenaline rush nalang ang nagpapagalaw sa buong katawan ko! Tapos kinabukasan ko nalang sana ibibigay bago sya pumasok sa school.

Pero dahil nahiya ako sa bata na hindi  naalis hanggat hindi ko natatapos ang project nya (wala ata syang tiwalang gagawin ko yun!) e sinimulan ko nang gawin. At sa katunayan katatapos ko lang.


Dahil sa kakapusan ko sa mga kagamitan, purong lapis lang. Wala din akong signpen ngayon! Kahit My∙Gel wala! O kung ano pa mang source ng dark ink (hindi epek pag ballpen lang). So pinabayaan ko nang ganyan. Wala na ring tasa tasa! Sharp na kung sharp at blunt naman yung ibang strokes. HAHAH! Yun mga tinatanim na parang mga tae tae lang, cabbage yan! Pagbigyan na! At kamatis naman yung mga nasa bakod (ang gaganda kasi ng mga kamatis na nakita ko sa kamatisan dun sa nayon nung isang araw). At para maiba ang eksena, nilagyan ko ng ibat ibang uri ng damo sa gitna! HAHAHAH! (Napaglaruan pa)  Yung isa nga e malanding damo (yung parang paruparo). ^^

Ayun, salamat na rin sa bata at mejo nabawasan ang tumal ng maghapon ko! Dahil tinatamad ako, siya na ang pinagbura ko ng ibang mga excess na detalye.

:D

Kayo, gano katumal ang hapon nyo?

****
Tumal = Bagal. Colloquially "nakakatamad".

The Versatile Blogger Award

$
0
0
Una sa lahat, gusto ko sana talaga magself pitty na hindi ako deserving sa award na 'to. Pero wag na lang, dagdag letra pa sa ittype. HAHAH!




The Rules: 
1. Thank the blogger who gave you this award.  Don’t forget to link her blog.
2. Post seven random things about you
3. Give the award to 15 other bloggers you love and let them know you gave them this award.


Dahil masunurin akong bata:

1. Thank you pretty and sexy ate Arline of the The Pink Line (na hanggang ngayon hindi ko po alam kung ano yung line na pink) sa award na to. Maluha-luha ako nang mabasa ang pangalan ko sa iyong entry. :) [Nicheck ko ulit kung andun nga, baka feelingero lang ako] Salamat ng marami! Marami ring salamat sa may pakana ng blog award na to. :)


2. Seven Random Things About Me.

TAMAD 
Oh yes! Alam na alam yan ng mga kaklase ko nung college pa ko at mga naging housemates ko. At isa ito sa mga bagay na alam kong hindi ko dapat ipagmalaki! HAHAH! Tamad, tipong pag may nalalaglag na gamit ko sa ilalim ng kama ko, hindi ko na sya kukunin kung hindi ko naman gagamitin. Kapag may ibang nakakuha, tsaka ko sasabihin na saakin yun. HAHAH! Hindi ko nga alam kung aasenso pa ang buhay ko! :( Pero hinde, once na gumawa ako, gusto ko laging plantsado, sureball, with finesse! pulido, hindi basta basta (kitang kita naman ang mga pruweba ko sa Hiroshima, Nagasaki and 7/11 bombing!) Oha! 9/11 bombing talaga yun.

SWEET TOOTH
Ako na nga ang may sweet tooth. Kaya kong umubos ng ilang lyanera ng leche flan. At isang garapon ng macapuno. Kaya ko pa lumampas, pero alam ko naman na asukal lang yung nagpapatamis dun so it's a no no! HAHAHAH! Napakataas ng tolerance ko sa sweetness ng pag-ibig pagkain. Tirador din ako ng icing/frosting ng cake at iba't ibang desserts. 

CURSE
Mabait akong bata, hindi ako nagmumura gamit ang mga tagalog lines na alam na alam kahit ng mga batang edad 2 years old sa lansangan. Pasosyal ako, ganto ako: WTH, holy crap! Stupid! ...Dyok lang! Walang ganyan. ^^

BLACK&WHITE
TRIVIA: Sa kabila ng aking pagpipinta gamit ang mga pastels, bulag ako sa mga kulay. :) Yung mga binibili kong crayola at pastels kailangang may mga labels ng kulay sa pabalat kasi nga black&white ang paningin ko. Chos! HAHAH! Sa tulong ng aking mga friends na may normal na sharingan, sa kanila nalang ako nagtatanong ng mga totoong kulay ng mga bagay bagay sa mundo. 

BABAE
Madami na akong napaiyak na babae (Shaks! Hampogi!). Dyok lang! Pero kagaya ni pareng Cyron, magaling din ako makipaglandian. Dyok ulet! HAHAH! 
Echusero lang! <-Yan lang talaga ang description sa portion na 'to.

HAYUP!
Ayy, mahilig ako sa mga hayop. Lalo na sa mga tiger aso kahit askal pa yan! Maawain ako sa kanila. Kahit yung mga daga na nahuli sa bahay, gusto kong pakawalan. Ang cute kasi! HAHAH! Nakakaawa. 
Pero ayaw ko sa mga insekto at gagamba. Kadiri. Nakakatakot. Lalo na pag kitang kita mo yung mga balahibo. Dati paborito kong paglaruan ang mga gagamba, pero nung natuto ako tumingin ng larawan sa encyclopedia, nakita kong nakakatakot ang mga balahibo nila. TARANTULA! Hindi ako fan nyan, feeling ko maliit lang syang gagamba, naka-ZOOM IN lang sa totoong buhay! OA diba!

BATA
Hindi ako mahilig sa mga baby. T_T  kabaligtaran ni ateng maganda at sexy Arline. Yung ibang baby pinaplastik ko lang na kunwari tuwang tuwa ako sa kanila. HAHAH! Dyok lang! Snob lang ako sa mga baby. Choosy ako, gusto ko cute! ^^ Mahilig ako sa mga batang... batang nauutusan na! (Kasi nga *balikan ang first random thing)


Ayan lang! Marami pang iba. Pero dahil nga masunurin akong bata, 7 lang. HAHAH! 


3. Tag 15 bloggers. (Yung iba natag na ^^ )
Nong Inong of Kumonoy
Mecoy of Mecoy
Littleyana of Thingking Outloud
Sunnytoast of SunnyToast
Anyone! [:)]


Have a good day sa lahat! 

Ciao! :D















Doodle doodle din! | Ewan

$
0
0
Ayun lang. Nagtry lungs! :) Halos mapudpod ang utak ko sa pag gawa nyan! Sana may natira pa.

For Cheenee|Kwentong Palaka :) [Lakas maka-elementary ng araw sa sulok!]

Alam ko namang hindi maiihilera ang doodle ko sa mga doodles nila. Bakit? Mukha naman kasing hindi  doodle ang nagawa ko. Hobyus naman ata? Parang drawing at pinagtagpi-tagping lettering lang na pinagsama-sama tapos dinumihan ng konti. Chos! HAHAH!

Sana magustuhan mo Cheenee! <3<3

Lande ^_^


This'll be added to my gallery. Here you can check out my other arts: click!



************************************

EWAN


Ewan ko, parang emo-emohan ako ngayon. Hindi e. Andami kong iniisip kagabi. Siguro mga 10GB. E 1.44 MB lang ang utak ko (pang floppy disk lang). Ayun. Ang tamlay ko pag kagising ko. Wala sa mood.

Hindi ko alam kung bakit, basta bigla nalang. Buti nga at naka pagpost pa. (Yung post ko sa taas, mejo jolly pa kasi kagabi pa yan nasa draft, may kasabay dapat ako mag uupload. Kaso hindi ko sya nahintay [sorry] nadalaw agad ako ng antok.) At ayan ang pramis ko, pagkagising ko upload agad.

Mamaya hindi ko alam kung kelan ako makakapag blog hop. Pag okay na mamaya ang kaartehan ng mood ko e di mamaya na din. +_+

Pramis magbabasa ako ng entries nyo pag natha mood nako.

Ciao.

*Good vibes everybody! (labas sa ilong)

Pasasalamat!

$
0
0
(mala Inong ng Kumonoy ang title)


Una, salamat kay ate Arline ng The Pink Line sa kanyang Christmas greetings! :)) kaganda tuloy ng umaga ko. Kasing ganda nya at ng cupcakes na to, so good for 3 days! [abot hanggang pasko!] :) Thank you!  

 Naprint ko na sya, at ang tharap! :D (talent ko ang pagkain ng papel, chos!)

Hiyang hiya naman ang doodle na binigay ko sakanya, na tinawag nyang "dood!" kasi bitin daw sya ;) 
Doodle-for-fun for ate Arline of THE PINK LINE

Nagpublic test pa ako kung anong basa ng mga kabataan jan, at nabasa naman nila ng buong buo kasama ang linya! :)

But no worries, darating din ang tunay. Mejo matagal pa naman ang deadline. :)

Pangalawa salamat sa kalderetang lamig ni Anthony ng Free to Play. May litson pa nga daw, nasa ref din! :) Pasensya na, SUGO lang ang naibigay ko. HAHAHAH!



Pangatlo Kagabi, ako ay sumali (for the last minute) ng PINOY HENYO sa munting Christmas Party sa tabihan ng aming bahay. :)) 

At eto... 
Hanapin...

Nakita nyo ko? Hindi noh! HAHA Yung upuan kasi ang pinapakita ko jan. Jan ako umupo. Pag tingin ko sa mga pictures, wala yung picture ko, at hindi na ko nagtataka kung hindi ako napicturan dahil sa stunning performance namin na 5 secs! Beat that! HAHAHAH!

Ang word ay "JESUS". 3 secs lang sana. Bakit naging 5 seconds? Two names ang binanggit ko, Una ay SANTA CLAUSE. 3 syllables yan for 1.5 sec. tapos huminga ako so add ng 0.5 second. Nasayang ang 2 seconds dahil kay Santa Clause. HAHAH! Shame on me.

SALAMAT SA AWARD!  

PANCIT CANTON + 3in1 Nescafe. Hati pa kame jan ng pinsan ko, which is my pakner in crime. 

+ etong kaisa isa ko atang piktyur, blurred pa! HAHAHAH! HAM! May makakain na kame on Christmas! Yeeey! :D

Dahil dito, nalaman kong hindi lang isa ang gumagalang camera, may pag asa pa kong makahanap ng iba pang piktyur! HAHAH!

And opkors, salamat ulit kay Cheenee of Kwentong Palaka sa doodle nya saakin. Eto yun! --> Click!


Kuya Arvin of Chateau de Archieviner  bukas ko nalang uupload sa twitter ang greetings ko sayo? San mo ba gusto? ^^



SALAMAT sa lahat! :)) Oh sya, let's go sago to church. ^^


Pao Kun's Thought 101: (mala Fiel kun ng Fiel-kun's thought) Ewan ko, pero gustong gusto ko talaga ang amoy ng mga gasolina sa gas station, and the smell of other kerosene! :) HAHAHAH! Adik adik lang!


Ciao!

Greetings from Paokun!

$
0
0
Happy Holidays! Pagbati ko para sa aking mga kapwa bloggers! :)

Merry Christmas and Happy New Year!

Ang mga nasa larawan ay mga friends ko sa Facebook and most of them ay member ng Pinoy Box Office! Chos! PBO as in Pinoy Blog Outreach. Yung iba naman ay subscribers ko. Yung iba naman ay mga blog friends ko na kahit hindi ko follower ay napamahal na sa akin! Kachao!;) At hindi ko kayo pipilitin na magsubscribe sakin, basta dalawin nyo lang ako dito kahit paminsan minsan masaya na ko (*with tears). :)

Yung ibang followers ko na wala jan, hmmm, kasi hindi tayo friends sa FB, hindi ko tuloy alam kung paano makukuha ang pictures nyo. Yung iba nga friend ko pero masyadong masikreto! Hindi ko tuloy nakuha ang picture nila. :))

Okay, bakit ngayon lang naupload? Kahapon ko yan tinapos, kaso ako'y pinaglaruan ng tadhana. Hindi ako makapag LOG IN! :( Pero ayan na, better late than never diba? Palusot.

Note: Pasensya na sa pagiinvade ko ng photos nyo, (Karamihan, nasa profile pictures nyo naman yan, ibig sabihin, pinagmamalaki nyo yang mga pictures nyong yan diba? HAHAH!) So pasensya na din sa  pag dutdot ko sa mga katawan nyo, yes dutdot talaga, kasi wala kong MOUSE! Poor me. :( [tinamad lang talaga ko mag lipat ng mouse, kasi laging ginagamit sa desktop]

MERRY CHRISTMAS EVERYONE! HAPPY YEAR NA DIN! 

Salamat sa Picture Greetings:

Bakit yung sa iba may mga trains, penguin, sakin wala T_T Dyuk! Thank you much! Thanks Rix! ^^
Thanks Lala! I'm touched! ^^

And thanks sa mga kainuman ko ng Icetea galing kay Rix nung pasko! Jok lang! At ang aming pulutan na Leche flan (from yours truly), Cake (from ate Arline of The Pink Line) and Fruchalad (from Ser Anthony of Free to Play). Sa Blue Coral kame nag inom ng Icetea. Underwater inuman. HAHAH!

SALAMAT sa lahat! This is my first Christmas Season as a blogger. I had fun. :)

Pao Kun's Thought 102: Isa ang longganisa sa mga paborito kong ulam (yung matamis). Ewan ko, pero siguro kasi nakasabay ko sa pila sa canteen yung crush ko nung college, tapos yun yung binili nyang ulam. Tinanong ko kung bakit hindi yung iba ang bilhin nya (yung mas masarap ba...) Sabi nya sakin, "hindi ako nagpapakapaos para bumili ng mamahaling pagkain" [Working student. Singer sya].
Nung nasa cashier na ko, hindi ko namalayan na longganisa din pala ang binili ko. :) HAHAH! Lande! ^_^

Ciao!

Reverted

$
0
0
BABALA: Walang kwenta.

Ayun, I have reverted my previous entry to draft. Binisita ko kanina. Ano yun? Ka-emohan. Hindi ako yun! hindi yun galing sa aking kalawakan. HAHAH! Masyado lang akong nadala ng bugso ng damdamin. LOL.

Swerte lang ng mga nakabasa. Nakita nila ang aking DEEP DARK SIDE! ;) Although, I will forever keep your comments in my heart. :D Oha. Alam nyo kung sino kayo. napangiti nalang ako kasi parang hindi ako yung kausap nyo. Kasi in the first place parang hindi ako yung nag post nun. HAHAH!

Ngayon okay na. Bumalik na ang puso ko sa kaliwang dibdib. Ginamitan ko ng stapler para kumapit sa mga ugat ugat at mag function ulit ng tama.


Kwentong kuneho. Kanina lang:

Ako: (nagluluto ng hotdog) Pakitingnan naman 'to pagluto na. May pupuntahan lang ako sandali.
Sya: Okay sige.
Ako: Ihanda mo na pag luto na.
Sya: Okay.

Nung paalis na ko.

Sya: Kuya, pano ko pala malalaman pag luto na 'to?
Ako: Ahhh. (Napaisip talaga ako). Kapag mapula na? Hindi, kapag malambot na? Pag malutong? Ahh basta! Malalaman mo naman yan e, basta pag may lukso na ng dugo! >:]


Paokun's Thought 101: Hindi ako mahilig sa mga reunion, lalo na sa Family reunion. Nakakapagod kasi. Nakaka ubos ng energy ang makipag kumustahan. Nakakapagod ngumiti maghapon para masabing komportable ka. Anti-social kasi ako. >:] Pero gusto ko kayo ma meet! < 3 oha. 

P.S.

Dahil di ako mahilig jan, mamaya may pupuntahan akong reunion. Dalawa nga e. Fam at HS. Ttry ko mag post sa mga pang yayari kung makakasurvive pa ko. Papakita ko kung pano ako makipag plastikan sa kanila. JOKE! HAHAH! :))

Ciao!

All is well! :)

$
0
0
HAPPY NEW YEAR!

I'm hoping for full year "ALL IS WELL" in my life this 2013.

By the way, I changed my background already if you noticed. Now I can take you to my "kalawakan" and have a free gaze on my galaxy. (I just googled it, credits to the owner). This morning, I asked one of my friends in FB if he has something that will suit the theme "universe" or "kalawakan" (he's a professional digital artist). And before I forget, I have to tell you that we're not really friends (in person) to begin with, I mean not close at all. I just found him in one of my groups in FB named "Pinoy Digital/Trad Artist"; one of my groups I visit regularly, and regularly seeing this man's posts which is very remarkable. So I added him as friend to see more of his astonishing works, admiring his works even more.


Going back to the story, I asked him if he has a digital artwork related to the "universe". Which I followed with a new year greetings; this makes my first message sent to him ever. And of course, I'm not really expecting for a reply, so I actually forgot that I asked something from him. I went out to visit a friend, and got home by the evening. And to my surprise as I logged in on my FB:



Poof! This made my day! Kachaw! ;) I honestly said that it is just for my blogging purposes, and am planning to use it as my blog background. I just hope I get it for free. HAHAH! Yes! ^_^ (Sana di nya makalimutan ;) ) By the way, he has the same name with one of characters in animated online game and movie series Final Fantasy: "Cloud". Will link and give credits to him next week.

*****


This afternoon, a friend, Drew, asked me (this time, it was one of my best childhood buddies) if I can drop by his house, and added If I can bring some movies to watch. Which I agreed upon. Just a street away from my coordinates. And I arrived at his house after an hour! HAHAH! I bumped with another friend, Mond, there.

It has been months or so since the last time I came in to their house. So I've yet to recognize the little changes they made. I keep strolling my eyes and found this posted at his study area's wall. Although Drew is a bit forgetful one. He might have forgotten to upload the pictures I took using his phone! HAHAH! Since there's no photo, I think I'm gonna save the story for some other time. :)


Paokun's Thought 101: 


Hindi ako mahilig mag-unan pag natutulog. ;)




Time's up

$
0
0
I strongly suggest you play the song while reading this entry.







I still remember, the first time I met you. The things around us, the people standing by, the dim lights shining upon us, the melting sound of rhythmic silence, the dark blue sky, me and you.

I came from a long trip. Exhausted when I reached home. I had my first step from the balcony, and everybody's glances were all at me. I gave them my smirk rather than smile, until I saw you for the first time.

You got me.

My eyes opened wide, but then they smiled. I still chose to sit at my favorite spot; at the end of the sofa. And you sat beside me. Leaned your head against me and I did the same. I already asked your name before. Not from you, but from them. That's our "time" together for the first time, but it's like we knew each other for a long time.

Days have passed, and I have to leave every after a certain point. A day without you is like a month already. I'm longing for our togetherness.

Nights have passed. The nearer the day I'll be with you, the more longing I get and patience to take.

Time came. We are together again. The joy I felt cannot be defined with a word, or even with words.

Time struck. I was in the middle of deep thoughts. You came. I was lying at my bed, and there you are again, lying next to me. Something hit me in an instant. My feelings for you, shattered little by little.
The closer you are to me, the further my sight reaches. You didn't know, and I just cannot tell you. I just came from a dark world where my "everything" has fallen and scattered into pieces. I now realized, I still live, love and can't leave my past.

I still remember that fine afternoon. The sun setting in the sky was very beautiful. The warmth it brought to us was smooth and so it was unforgettable.

The sun sets, and so do my warm feelings toward you. Cold.



Time flew. I became different. I kept my distance.

Time flies. Yet you stay the same.

Time has flown. Again, slowly, I started appreciating everything about you; your deeds, feelings, and you.

I was wrong. My thought that I cannot leave my past, was just so wrong. I'm glad you didn't give up on me. I'm so glad. We are together again.

Everyday seems like the first days. The settings, the people, the sound and the sky. Everything has fallen into places. Again. I'm so glad how blessed I was. I'm so glad.

Just like the first days, I still have to leave at every after a certain point. Leave you, and long for you. But this time, expect that I'll be home for you, and only for you. You're longing for my return, and so do I to see you.


The awaited day came at last.

I arrived home. Everything seems to be perfect in my own way. The road, the sky, the people, but the sound.

The sound. The rhythmic sound's gone. It faded.

Time took you from me. You're gone. Tears fell down from my eyes. The sorrow I felt cannot be described with just a word, or even words.

I remember that afternoon. The sun is setting in the sky. The warmth it brought to me was smooth and so it was the most unforgettable.

Sun sets, and so do life. Cold.


Got it here http://images1.wikia.nocookie.net/__cb20120917224727/creepypasta/images/0/00/Leaves_falling.jpg

Pao Kun's Thought 101:


How much funnier life can get. It is very playful. If everything is given, life will have no thrills. Giving you no blast. Boring. You cannot always get what you want.  Be thankful for what you have. 












48 Hours

$
0
0

"Will leave cyber world, but'll be back after at least 48 hours. (Who cares anyway? HAHAH) Hopefully will have an artwork by then. Hopefully."

And that was my tweet last Friday night. Unfortunately, until now I haven't had any artwork to show you. I don't know, perhaps 48 hours of cutting my connection in virtual world isn't enough to pull my emotions into the momentum of stroking brushes and smudging pastels or playing with charcoals. But luckily enough, I made it - I just kept my promise. A promise to myself; prohibiting my self to enter cyber world for at least 48 hours. Well actually, I know I can do it, because as I have said, I promised. And I believe, no, STRONGLY believe that promises aren't meant to be broken. NEVER. Lies do.

Wondering why I did that? I just realized that being in a cyber world devours most of my life time lately. I wake up, eat, go online, eat, go online and so on. That routine. Sighs.

So I made a decision to give myself an awarding break. That's it! It made a difference.

Saturday morning, I woke up 4:30AM (my normal body clock). Went out for a jog with my dad. Watched morning news after. Minutes passed then will boil some water in a kettle to make some coffee for me and my dad. Normal routine.

Then instead of going online, I read this book (at least printed in a paper, downloaded online days before), titled "The Fault In Our Stars" by John Green. Typical "teen" story. At least I thought it was. Good thing I printed out a copy of it. I wouldn't want to read it online, you know... I prohibited myself using things that will urge my eagerness to enter or even peek in cyberworld (esp. FB, twitter, Blogger, Gmail, Ymail); and that includes using laptop, tablet, desktop, or even my PSP. Dang! "Prevention is better than cure".  ;)


And I will not going to make a review about it. One word: Awesome. More words: I can't get over with it just yet. I just finished it a while ago, reading the last chapter while hearing the sound of the boiling water near beside me, and I just love that. Classic type setting huh?

So while I was reading it, I have this dictionary beside me, literally. And, a literal dictionary, not those you'll find online. And it gives me quite nostalgia. Like way back elementary days or so? ;) Enriched vocabulary, yey!

Funny thing is, I also turned my phone in silent mode. (Woooh! At last I get to use "mode" not in high-schoolish way, the way others use it. Like kain mode/ texting mode/ tulog mode...duh! HAHAH!)

I texted my bestfriend what I was up to (about this 48hrs blah blah). *text *text *text until she mentioned: "Iba ka na, parang di na tayo close? :)". HAHAH! Which triggered me to ask her a coffee  meet by that same night. Looks like we have lots of catching up to do. And there were actually! I also shared the success of the PBO of course, how was it like to be a blogger and meet nice friends, and convinced her to start blogging as well! :) It's nice to have seen a friend and chat with her in person, share each other's stories and the likes.

Being in 48 hours duration of not being a "cyber human" is like living in a primitive basic life. I get to notice things I hardly notice before, do things in time which mostly were in queue before. And get to spend quality time with my family? Woah? HAHAHAH!

Another one, I finally got a new battery for my calculator, I can start my review as early as tomorrow. Not today, well, my turn to open the cyber door and see what has been happening in cyber world! Hi there! ;)


Kwentong Kuneho:

(I miss this one)

Nung nagcoffee kame ng bespren ko, may two roundtables na magkadikit, yung isa nakadikit sa glasswall, yung isa naman occupied by 3 girls. So nakishare kame, since isang table lang naman ginagamit nila.

Maya maya bigla silang nagsipag-ingles pag-upo namin! HAHAH! Ewan ko kung nagpapa-impress or what pero ganito sila mag usap:

G1: Im-hungry-already....I....wanted....to.....eat.....more....food....
G2: Yes-do-you-remember.....what-happened yesterday?...*name*....just....got.....her.....new....hair....cut....
G1: Im-hungry-already....I....wanted....to.....eat.....more....food....
G3: Blahh....blah....blah....blah...

Ganyan magsalita, mabilis sa mga unang phrases, tapos parang robot na kapag dadagdagan na yung first phrases HAHAH! Ewan ko, hindi naman ako magaling pero kung ganyan talaga sila mag usap, gano kaya nila katagal matapos ang isang topic nila? Hmmm.


Pao Kun's Thought101:

Hambabango lang ng mga babaeng nagjo-jogging. Pawisan pero mababango pa rin! ;)  

Pag-ibig

$
0
0

A consistent outside reader of mine (Chos! ni-assume ko lang na consistent syang nagbabasa, pero outside reader talaga kasi hindi sya member ng blogosphere) e-mailed me (chos ulit! Chat lang talaga, ganda lang pakinggan ng "emailed" e, ganyan!) saying: "I miss your old writings, your techniques you were using before with your first ones." (at syempre, ako lang ang nagtranslate nyan, maarte kasi ako. HAHAH!). But actually, I, too, miss posting some informative entries, or at least I think is informative. So now, I'll try to write something the way "Paokun"'s doing it before (Sabi nga ni Junjun ng Life and Spices, "Pao Kun Style", ganyan! HAHAH! Promote promote ka din sakin ngayon.)

So here I go:

******


PAG-IBIG


Naks! Pumapag-ibig ang lolo nyo! Pero hindi, hindi ako ang topic. Well, alam nyo naman na hindi ako mahilig makipaglandianmangharot at umibig. HAHAH! (labas sa ilong!) Ang pag-uusapan natin ay based solely from the word itself; pag-ibig.

Ang pakikipag ibigan ay nahahantong sa buntisan dating dalawa, ngunit ngayon ay tatlo o higit pang statuses. At ang tatlo sa mga pinakasikat na status ay:

1. Available - sila yung mga single, free and ready to mingle!
2. Taken - may mga asawa o mga gelpren o boypren na. (Mas attracted ako sa kanila. lol)
3. "It's complicated" - (sa friendster: It's Complicated TM.) Sila naman yung either single or taken na mga nag-mamaasim o nagddrama sa buhay pag-ibig nila, na tipong may "cool off" pang pauso! Tss! Soul searching kuno?

Dahil kasing gulo ng kwarto ko ang "it's complicated" e yan ang pag-uusapan natin!



It's Complicated - No commitment but with emotional attachment.



Ang hirap nito. Dito, halos hindi mo alam ang status nyo ng iyong pakner! Mahal mo sya, mahal ka nya, pero hindi kayo. Pero sa pag mamahalan nyo, parang kayo. Ang gulo no? It's complicated nga diba. Sa tindi ng attachment and affinity nyo sa isa't isa, nagagawa nyo na din ang mga ginagawa ng mga mag-syota o mag-asawa. TAKE NOTE: Hindi kayo. Pume-friends with benefits ano? Pero dito, with real emotions involved. Tipong dahil mahal mo sya, hindi mo na hangad lagyan ng marka kung ano ang status nyo, natatakot kang tanungin sya dahil baka masktan ka sa isasagot nya, basta ang mahalaga e magkasama kayo. Yun nga lang, pag tinanong ka ng iba: "Anong status nyo?" alangan namang sabihin mong "kami", e hindi naman kayo. That's why, "it's complicated!".

Here's the catch: pag nagkaroon sya ng ibang partner habang pinapartner mo sya, wala ka namang ipapanalo sa korte kahit maghabla at maglupasay ka pa. Bakit... KAYO BA?!


It's Complicated - Committed with NO emotional attachment.



Anong drama nito... Bahay-bahayan? Ganyan?

Pasok dito yung tinatawag na "open relationship".

Ano ba ang open-relationship? eto yung nasa isang relasyon ka, pero okay lang magkaroon ka o sya ng relasyon sa iba pa. Oha! Legal na kabit, parang ganyan. Walang selosan. Yun nga lang, yung new legal partner ang kawawa kasi siya ang hindi nakakaalam na nasa open relationship ka pala o ang karelasyon nya. Gulo diba! Parteh partey!

Eto yung laro na kapag nainlab ka, talo ka.  Pasok na pasok sa banga ang No Other Woman! HAHAH!
Kalimitan dito sa ganto, naiinlab ang isa sainyo, at dun na matatapos ang lahat. Bakit? Pwede kasing ang rule ng larong ito ay kapag nakahanap na kayo ng taong mamahalin nyo, bibitawan nyo ang open relationship nyo. Pero pano nga kung inlab ka na sakanya? Diba? Ayaw mong tanggapin na SINGLE ka na. So pagtinanong ka ng iba kung anong status nyo, ang isasagot mo ay "It's complicated!". Kasi hanggang ngayon, umaasa ka pa. Baka sakaling maibalik pa.  </3


*****
Marami pang dahilan ang pwedeng pag-ugatan ng third status na yan! Yung iba, mahilig maki-uso, kapag nagkaroon ng konting problema e "it's complicated" na. Tss! Ang mga Earthlings talaga!

HAHAH!

Ayan, hanggang dyan nalang muna. Try nyo naman yung ibang status, libre yan! lol

Ciao!


P.S.

Yung mga dati kong naging CRUSH LANG na taken na... "mag bbreak din kayo!" Dyok lang! ;) #Bitter101



Pao Kun's Thought 101:

Hindi gaya ng iba, 'pag may hinahanap akong bagay sa kwarto ko, hindi gumugulo ang kwarto ko. In fact, mas nagiging maayos at organized ito. 




Steady Moments

$
0
0
Nakuha ko na pala kagabi yung regalo sakin ni bespren, at effort dahil naka balot 'to ng maganda. 
(mas maganda pa jan, kasi tinali ko lang ulit yan! HOHOHO!)
O di ba! 
At akala ko naman sya pa ang nagbalot nyan, yun pala dun sa SM na mismo ni-wrap. At natawa daw sya dahil ang sabi nya sa nagbabalot e simple lang daw. Tapos nagulat sya nung parang ganyan na. HAHAHAH!

At eto na nung binuksan ko.

Taadaa! Planner! :3 
Salamat bespren! Eto ang pinakaunang regalong natanggap ko ngayong 2013.

Sabi nya kasi bet nya ang planner na yan dahil dito:


List of Country and its Capital

Ewan ko kung bakit, pero ayan, natuwa daw sya jan kaya bumili sya ng planner nyang ganyan. Hindi kaya dahil pupunta na sya ng China? Hmmm.

At nung pinapakita nya sakin yan. Binuklat nya ang likod.

Boom!
Map of the Philippines!
Eto ang gusto ko. Kaya sabi ko kay bespren ibili nya din ako ng ganto dahil sa mapa ng Pilipinas!
May world map din yang kalakip sa kabilang pahina. 

Para sa mga hindi nakakaalam, mala-jellyfish ang sense of direction ko, tipong palutang-lutang lang sa gitna ng karagatan!

Dahil inggitero ako, at dahil sya ay may work habang ako naman nakatunganga, sabi ko ibili nya rin ako. At ayan na nga. Bait nya no? (O opurtunista lang talaga ako?) HAHAH! 

So umpisa pa lang alam ko nang planner ang laman nyan. At hindi talaga sya basta bigay, hingi yan! :D

Solomot! :3

*****


Katanghaliang tapat. Ang init. Habang naghihintay sa hinihintay ko, naisipan ko magbasa ng mga messages sa phone:

"One of the best moments in life is when you feel sad but you've got SOMEONE who will effortlessly put a SMILE on your face..."
- FW: Ate Arline of The Pink Line 

Ang sweet ng message na 'to. Tipong pwedeng isend kahit kanino.

Hindi naman ako mahilig magtext. Sapat na sakin yung paforward-forward lang ng mga forwarded lang din na messages sakin. HAHAH! 

Natutuwa ako makareceive ng mga ganyan ganyan. (basta wag lang yung chain messages -_-)


So para tawid-inip na din habang naghihintay, ni-forward ko yan sa ilang mga contacts ko. 

At natawa naman ako sa mga  ilang responses sakin (Hindi ko talaga ineexpect na ganyan)! HAHAHAH!

Heto:
Saan banda? :)
Heto pa:
Hindi ako marunong manglandi, alam nyo yan! HAHAH!
At eto pa!
Ikaw pa rin... yiieee! HAHAH!


At eto naman talaga ang da best na nabasa ko nung niforward ko sakanya ang message na yan: 

HAHAH! Para po sa mga hindi nakakaalam:
Salicylic Band Aid po.

O diba! Nakakatuwa. 
Natatawa ako, kasi hindi naman ganyan yung mga nasa-isip ko nung nareceive ko yan. Wala lang. Sweet. Ganun.

Pero hindi rin nagtagal ang mga conversations about jan. Usually kasi close ended ang forms ng mga messages ko. Tipong walang return question. Depende. HAHAH! :3

Hmm. Hayun lang po!

*****

Promote promote din!

We have a unified vision to take the Blogging experience to the next level by fulfilling our mission to share our heartfelt support to the less fortunate.

So follow @iheartPBO on twitter, and please like our PBO Fan Page on Facebook. 

It doesn't matter what our beliefs are, where we come from, what color our skin is, what our gender is, if we work hard with others, never give up and love a lot we can absolutely do anything.


Leave

Art Gallery

$
0
0
This will be the official section for my artworks.

Doodle for Senyor | Kwentong Iskwater Mula sa Iskwater
Medium: Ink



Lilies
Technique: Stippling/Pointillism
Medium: Ink 
Size: 12x9"



3rd Doodle  Art for ate Arline | The Pink Line
Medium: Ink


2nd Doodle for Cheenee | Kwentong Palaka
Medium: Ink


Calla Lily on Canvas
Medium: Oil Pastel & Acrylic
Size: 10x14"


Garlfiel
Medium: Charcoal
Size: 9x12"

1st Doodle Art | for my housemates
Medium: Ink
Size: 9x12"

Grad Gift | for my parents
Medium: Oil Pastel & Acrylic
Natsu Dragneel  & Lucy Heartfillia | Fairy Tail
Medium: Pencil
Size: 10x17"

Well | Faelogo Family
Medium: Oil Pastel & Ink
Size: 10x14"
Amber G | Davidson Couple
Medium: Oil Pastel
Size: 10x14"

Silhouette Tree
Medium: Oil Pastel
Size: 10x14"
Rose | 1st Artwork in Canvas
Medium: Oil Pastel
Size: 9x12"
Measurement City | Entry for Team Measurement
Medium: Ink
Size: 8.5x11"

Pao | Filtered Using Adobe Cs4
Medium: Oil Pastel
Size: 10x17"

Spongebob
Medium: Oil Pastel & White Ink
Size; 17x10"

Warcraft
Medium: Charcoal
Size 1/2 10x17"

Rose & Heart
Medium: Charcoal

1st Charcoal Sketch: Taz | Joanne
Medium: Charcoal
Size: 11x8.5"
I Love You
Medium: Oil Pastel
Size: 10x17"

1st Artwork in Sketchpad | Pao
Medium: Oilpastel
Size: 10x17"

1st Year College Artwork | Seatwork
Medium: Oil Pastel, Crayons & Ink
Size: 10x15" 



"Let me ask you something, what is not Art?" -unknown

Flowers For You

$
0
0
Whew! At last!

The first artwork/masterpiece I made using stippling technique [I already tried it in a minute mini-sketch for practice though].

I put this in an Online Auction last night and to my surprise, one of my co-bloggers bid the highest price whose bet is $100.  I am very happy to introduce to you the highest bidder, none other than the Hot&Chili Pancit Canton lover miss Gracie of Gracie's Network! Congratulations! :)

Lilies in Vase
Technique: Stippling Technique
Medium: Ink
Size: 10 x 12 inches
Duration: 1 night, 2 mornings [11 hours compressed time]

Ate Gracie, as promised, flowers for you! Hope you like it! I'll hand it over on October (when you get back here in Phils). I hope you do not mind but I want to hang this in my wall for the mean time... Please? :)

Stippling is the creation of a pattern simulating varying degrees of solidity or shading by using small dots.

Have a nice day everyone! God bless!


Want to check out more of my  artworks? Click HERE.





***
We have a unified vision to take the Blogging experience to the next level by fulfilling our mission to share our heartfelt support to the less fortunate.

So follow @iheartPBO on twitter, and please like our PBO Fan Page on Facebook.

It doesn't matter what our beliefs are, where we come from, what color our skin is, what our gender is, if we work hard with others, never give up and love a lot we can absolutely do anything.



Disclaimer: The auction thing was just made up. 

Disappointment x Faith

$
0
0

Lahat ng tao nakakaranas ng disappointment o pagkadismaya. Ang dahilan? Pagkabigo sa isang bagay na lubos nating inaasahan. Pagkadismaya sa bagay na akala natin kaya nating gawin, pero hindi pala. Pagkadismaya sa taong inaasahan nating nariyan pagkailangan natin sila, pero wala pala.


“Blessed is he who expects nothing, for he shall never be disappointed.” 

― Alexander Pope


Pwede nga kayang hindi tayo mag-expect kagaya ng sinabi ni Alexander Pope? Siguro pwede pero mahirap. Napakahirap. 

Kahit sa mga maliliit na bagay lang maari tayong makaranas ng simpleng pagkadismaya. Pero minsan, ang simple, lumalala. 


"...and the only thing we know is things don't always go the way we plan" 
- We Are One [Lion King II]


Exams: Yung feeling na alam mong pasado ka kasi nag-aral ka nang mabuti at nasagutan mo ang lahat ng mga tanong. Pero matapos ma-checkan yung papel mo, bagsak ka. Tsk tsk! Bakit? Dahil sa carelessness. Hindi mo pala nabasa ang instruction dahil sa sobrang excitement mo. Kaka-disappoint diba? Pero hindi ba't mas nakaka-disappoint yung magdamag kang nag-aral pero iba yung lumabas sa exam? Badtrip!

(Looking at the bright side, buti nga ikaw nakapag-exam at may grade, yung iba bumabagsak dahil walang pang tuition.)

Pag-ibig: Yung feeling na akala mo magiging kayo na, pero busted ka pala! Sakit sa puso di ba? Sa tagal-tagal ng panliligaw na ginawa mo at sa laki ng nagastos mo e mauuwi sa wala. Lahat ng pagod at sakripisyo napunta lang sa wala. Disappointed ka ngayon kasi sinasabi mong umasa ka dahil pinaasa ka. Pero kung titingnan mong mabuti... "ligaw" nga diba? Ligaw! Ibig sabihin nasa kalagitnaan ka pa rin ng judgment. Hindi porke pinayagan kang manligaw at ang sweet-sweet nyo na e ibig sabihin magiging kayo na sa huli. Hindi ka "pinaasa", ikaw lang ang sobra kung umasa.

(Looking at the bright side: buti nga ikaw pinayagan manligaw, yung iba, hindi pa nakakapanligaw busted na.)

Nakakadisappoint din yung ikaw nalang ang single sa tropahan nyo. Tapos makikita mong ang saya-saya at sweet-sweet sa mga pictures nila. Sighs. (-.-)

(Looking at the bright side: Wala kang ibang gagastusan kundi ang sarili mo. Bawas stress na din for the mean time.)

Kaibigan: Andun ka pagkailangan ka nila. A-absent ka pa sa trabaho o sa iskwela para lang damayan sila sa problema. Ang problema nila ay problema mo rin. Pero nung ikaw na ang may kailangan sa kanila... nasaan sila? Busy. Hindi man lang makaalala. Hindi ka magawang puntahan o tawagan man lang kapag ikaw ang nangangailangan. Parang hindi ka na kilala matapos mo silang tulungan. Nakaka-disappoint yung mga taong inaasahan mo tapos wala. Yung iba naman, plastik! Ang bait-bait pagkaharap ka, tapos kung ano anong pinagsasasabi sayo pag nakatalikod ka na. Hindi lang yan nakakadisappoint, nakakabadtrip talaga sadya. Hahaha!

(Looking at the bright side: at least naging mabuti kang kaibigan sa kanila, wala silang maiisumbat sayo. Alam mo na ngayon kung sino ang tunay at kung sino ang hindi.)


Marami pang iba. Sa trabaho, pamilya, kalusugan at iba pang mga gawain na hindi ko na maiisa-isa. Gusto nyo bang dagdagan? Sige lang!

.
.
.
.
.
.

Ayan! Dyan tayo magaling. Sa pagbibilang ng mga bagay na nakaka-disappoint satin, imbes na magbilang ng blessings na natatanggap natin. Pero minsan naisip na din ba nating nakakadisappoint tayo ng ibang tao? Minsan di natin sinasadya, minsan naman akala natin yung ginagawa natin ay tama kaya tuloy-tuloy pa rin tayo. Hindi natin alam, nakakadisappoint na pala tayo ng ibang TAO at minsan ...



FAITH: Tayo, gano ba katatag ang pananalig natin? Mabigyan lang tayo ng mga pagsubok gaya ng mga nabanggit sa itaas e laglag agad ang faith natin. "Lord, bakit ako pa? Bakit sa pamilya ko pa? Bakit mo ko pinaparanas ng ganito?!" Galit na galit tayo. Kung titingnan natin, hindi tayo naiiba sa mga taong kina-di-dismayahan natin. Tinatawag at kinakausap lang natin Siya pagkailangan natin ng tulong o kapag may problema tayo. Pero kapag solved na, wala na. Pasalamat nang kaunti, pagkatapos nyan limutan na ulit. Nakakalimutan na natin Sya. Sino ngayon ang dinidismaya natin? Hindi kaya yun ang dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng ilang pagsubok? Ipagpasalamat natin ang kahit simpleng paggising natin bawat araw dahil hindi lahat ay nakakaranas ng ganyan.  Huwag na nating hintaying tapikin Niya tayo para lang Siya ay maalala natin. ;)


Oh, reflect! :)


Pao Kun's Thought 101:
Hindi 2D ang buhay natin. Huwag natin itong tingnan sa iisang anggulo lang. Marami itong views and angles na mapagpipilian. Always look at the brighter side of the story.  

Diary101: Persday

$
0
0
Babala: Ito'y pangyayari lamang sa akin kahapon, Feb. 9.

Yep! First day ng klase ko kahapon bilang isang reviewee. 
Last week kasi, Feb. 2, orientation lang ang ginawa tapos uwi agad (sayang pamasahe).

Sa España, Manila ako nagrereview every weekends. 
Kahapon, nung nagpahatid ako sa sakayan, tsaka ko lang nakitang andun pala sa sasakyan yung cellphone ko na nawawala nung isang araw! -.-



Pagbaba ko ng Buendia, FX ang sinasakyan ko papuntang Morayta.

Hindi ito ang actual na larawan

Nakakatawa lang, kasi yung matandang driver ng sinasakyan kong FX e ang lakas maglaro sa daan.


Lahat ng nakasalubong naming pedicab e talagang ginigitgit ni manong FX! Dedma lang si manong kahit sinisigawan na sya ng mga pedicab drivers! hahah! Hindi ko maiwasang mapatawa... sinisiko nalang ako ng katabi ko kasi napapalakas ata ang tawa ko kahit pinipigil ko.

Tapos, kapag alam nyang may tatawid sa dadaanan namin, magmi-menor sya, babagalan nya na tipong nagbibigay motibo na "sige madlang people, tawid lang kayo" at habang tumatawid na ang mga tao, bigla nyang bibilisan ang takbo: "takbo takbo sasagasaan ko kayo!" Sabay takot na tatakbo naman yung mga taong tumatawid. hahaha! 

At hindi pa jan natatapos ang moment ko kasama si manong. 

Nung pumara na ko sa tabi, binuksan ko ang pinto sa kaliwa dahil dun ako nakaupo.
Hindi naman ito naka-child lock. Means okay lang na buksan. Wala din namang sasakyang dumadaan sa tabihan ko.
Pagkabukas ko ng pinto, sumigaw si manong! "TEKA! wag mong buksan yan!" 
Nagulat ang mga pasahero ng FX maliban ata sakin na nung mga oras na yan e natatawa pa rin ako. 

Bumaba sya at sinara ang binuksan kong pintuan, at binuksan nya ito ulit saka kame ibinaba. 
Ang gusto lang ata ni manong, sya ang magbubukas ng pinto para sakin! lol




Pagdating naman sa class room, exam agad. Agad-agad! Kainis lang kasi wala pa naman kaming alam. Kaya hindi ko nalang pinasa ang papel ko. lol!



Kapag umuuwi naman, sa Recto Station kame nasakay.
Pinuntahan ko at ng dalawa kong sidekick ang Enriquez Art supplies.
At napaWOW ako sa mura ng mga materials don.



Nakabili rin ako ng canvas.
Gusto ko matuto mag-acrylic. Wala lang!



At bago naman ako deretsong umuwi sa aming bahay...

I feel so special (*with tears) nung may dumalaw saking artista kahapon sa Calamba at nagbigay ng kwentuhan at (eto talaga) pansit habhab all the way from Q! :)

Not just one, but two Pansit habhabs with Espasols
Nung nagkita kame gusto ko na habhabin! haha!

Salamat, John Lloyd Cruz! :D

Salamat sa dalaw (may sakit?) at masayang kwentuhan!
Sa uulitin! Bale sa Feb 15 yun no? hahaha!

Pagbabanta: Pag hindi ka dumating, may iba talagang makakarating. Hohoho!

***

At jan po nagtatapos ang aking maligayang araw kahapon. Bow!

Ciao!




Walang Lihim

$
0
0

     "Pwede niyo po ba akong kwentuhan bago matulog?"

     "Ano ba’ng gusto mong kwento?"

     "Gusto ko po ay istorya niyo"

     "Sige, iku-kwento ko ang aming istorya ng matalik kong kaibigan"

    "Sige po."

    "Si Mikko ang aking matalik na kaibigan. Matagal na kaming magkakilala. Mula pa noong kami'y musmos pa lamang lagi na kami magkasama; sa pagkain ng paborito naming sorbetes, sa paglalaro maghapon at maging sa pagligo araw-araw.  Sabay kaming natutong magsulat at magbasa. Sabay kaming natutong bumilang at sabay natutunan ang iba pang mga bagay-bagay na itinuturo sa elementarya. 

     Si Mikko at ako ay hindi naging magkamag-aral pagtungtong ng sekondarya ngunit madalas pa rin ang aming pag-istambay pagkatapos ng klase. Tumatambay kami sa ilalim puno ng mangga hanggang abutin ng madaling araw na gamit lamang ang munting liwanag na nagmumula sa lamparang nakasabit sa sanga. Hindi namin alintana kung anuman ang iniisip ng iba. Matapos ang apat na taon, sabay din kaming nagtapos ng sekondarya. Magkasama sa kalokohan, tawanan at saksi kami sa bawat pag-ibig na nadaanan ng bawat isa. Ang unang pag-ibig, unang halik at unang pakikipagtalik, unang pagkabigo sa pagmamahal, problema sa pamilya ay hindi lingid sa kaalaman naming dalawa. Walang inililihim kumbaga, maging libag sa bawat singit at kuyukot ay alam naming dalawa nung kami'y mga bata pa. 

   Walang lihim. Iyan ang pangako naming dalawa. Mga salitang iniukit namin sa puno ng mangga. Habambuhay na pagkakaibigan ang sumpaan namin sa isa't isa. 

     Si Mikko at ako ay sabay na tinahak ang mundo ng kolehiyo. Ako bilang isang nars at siya naman bilang isang inhinyero. Bagamat magkaiba ang aming talakdaan ng pagpasok sa unibersidad ay pinipilit pa rin naming magkita kapag may bakante kaming oras o araw. Kalimitan, isang araw lamang sa loob ng isang buwan kami kung magkita, pero ang araw na iyon ang siyang nagiging pinakamasaya sa lahat. Bawat araw ng pagkikita ay pagbuo ng mga bagong pangarap. Pangarap para sa sarili at pangarap para sa bawat isa.

     Nauna ako kay Mikko na makapagtapos ng kolehiyo. Bago siya makapagtapos ay may trabaho na ako. Mas naging mailap ang aming pagkikita. Isa hanggang dalawang beses sa loob ng kalahating taon.  Gayun pa man, kagaya ng dati, ang aming araw ng pagkikita ay ang siyang nagiging pinakamasaya sa lahat.  May kaunting pagbabago pero batid pa rin niya kung ano ang gusto at kung ano ang ayaw ko. Hindi niya ginagawa ang kanyang mga bisyo lalo na ang paninigarilyo sa harap ko dahil alam niyang may hika ako. Lagi rin siyang may baong medisina para sa akin. Iniisip niya lagi ang karamdaman ko. Matalik na kaibigan ko talaga si Mikko. 

     Lumipas ang ilang taon ay nagkaroon ako ng kasinatahan at sa huli’y nagpasyang magpakasal sa susunod na taon. Si Mikko at ang aking mapapangasawa ang kasama ko sa pag-aasikaso nito. Kasama si Mikko sa pagtakda ng araw at oras kung kailan ang kasal. Kasama siya sa pagpaplano kung saang simbahan at katulong din namin siya sa paggawa ng listahan ng mga panauhing imbitado. Kasama siya sa pagpapasya kung saan gaganapin ang salu-salo at kung ano ang ihahandang pagkain sa araw ng aking pakikipag-isang dibdib. Ganyan kabuti at talagang maasahan ang matalik kong kaibigan.

     Isang taon ang lumipas, dumating na ang araw ng kasal ko. Malapit na magsimula ang seremonya. Handa na ako at ang magiging asawa ko. Ilang minuto na lamang subalit wala pa rin si Mikko. Para na akong alupihang hindi mapakali sa paghihintay sa kanya. Naghihintay na ang lahat ng tao pero hindi ko itutuloy ang kasal na ito kung wala ang matalik na kaibigan ko. Wala akong pakialam sa kahihiyang matatamasa ko kahit mailathala man ito sa peryodiko. Hinanap ko siya sa loob ng buong simbahan, ginala kong parang ahas ang aking paningin at nagtanong-tanong kung siya ay nasaan. May isang batang lumapit at nagsabing bago raw siya dumating ng simbahan, nakita raw niya sa ilalim ng punong mangga ang aking matalik na kaibigan. 

     Mangiyak-iyak ako sa aking napakinggan. Naglalakad akong patungo sa manggahan habang napapaluha sa sobrang tuwa dahil akala ko ay bibiguin ako ng aking matalik na kaibigan.  Sa ilalim ng puno ng mangga, kung saan nakakabit pa rin ang lumang lampara, nakita ko si Mikko. Nakaupo sa damuhan. Nakangiti sa akin habang ako'y papalapit sa kanya. Pinaupo niya ako sa kanyang tabihan. 

     Si Mikko ang aking matalik na kaibigan. Masayahin pa rin siya. Walang humpay na tawanan at walang hanggang kwentuhan ang aming napagsaluhan sa ilalim ng puno ng mangga. Walang pakialam sa tumatakbong oras. Ito ang unang beses na nagkita kami ngayong taon, at gaya ng dati, ang araw na ito ang siyang pinakamasayang araw sa lahat, isang kasiyahan na hindi mailalarawan kahit kuhanan pa ito gamit ang kamera. Malapit na ang ika-lima ng hapon at ito ang takdang oras kung kailan nakatakda ang seremonya. Parehong oras ng aming pagkikita rito sa ilalim ng puno ng mangga noong kami'y mga bata pa. Biglang nanariwa ang aming masayang nakaraan at nagbalik-tanaw sa makukulay na napagdaanan. Tahimik ang paligid. Pinapikit niya ako. Hinawakan ang kamay at hinalikan sa pisngi at nagbanggit ng mga katagang "Malungkot, pero masaya ako para sa'yo!". Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Napamulat ako at nakita kong siya'y naglalakad papalayo sa simbahan. Hindi ko siya magawang tawagin. Napansin ko lamang ang isang papel na kanyang iniwan sa puno ng mangga. Tinaga niya ng malalim ang dati naming inukit  na salita at doon isiniksik ang papel. 


'Yan ang istorya ko at ng taong nagbigay sa atin ng magandang buhay. Ang dahilan kung bakit kita isinilang. ‘Yan ang istorya ko at ng iyong ama, si Mikko, ang pinakamatalik kong kaibigan, ang lalaki na siyang una kong minahal, at habang buhay na mamahalin."



Ito ang aking lahok para sa Bagsik ng Panitik 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy

The Thief of the Time

$
0
0

Malapit na ang birthday ko. Excited na 'ko! Joke lang. Sa totoo lang hindi ko maalalang na-excite ako sa birthday ko. Marso din kasi ang pinakabusy na month para sakin. Nung nasa kolehiyo pa ako, eto yung Month na talaga namang nagsisipag ako ng pag-aaral at talaga namang nakakapagod! Bakit? Kasi kailangan kong maghabol sa mga professors grades dahil malapit na ako bumagsak. lol

Pray for me ha, this coming April 15, 2013 Board Exam :) Thanks!

Mayroon pa akong isang buwan at mahigit pa para paghandaan ang review para sa isang subject. Kung tutuusin, pwedeng sabihin na mahaba pa ang oras at para sa akin, oo. Ako kasi yung tipong mas nakakapagconcentrate pagdating ng last minute. Yabang!

Noong nasa kolehiyo ako, kung ano lang ang unang exam kinabukasan ay siya lang ang aaralin ko. At matapos ang isang exam, tsaka ko palang aaralin ang kasunod. Ayun, bagsak. lol

***

Procrastination is the thief of the time.


Procrastination refers to the act of replacing high-priority actions with tasks of lower priority, or doing something from which one derives enjoyment, and thus putting off important tasks to a later time.

Minsan kahit hindi natin kagustuhan magprocrastinate e may mga oras pa rin na mahirap iwasan. Bakit?

1. Resources: You may have all the time you need, but you lack resources.
2. Time: You may have all the resources you need pero wala kang time. 

Minsan naman, we have all the resources and time pero ano? Tinatamad lang tayo. Yan yung time na masasabi kong aware tayo na "may magnanakaw sa ating bahay" pero tayo rin mismo ang nagbukas ng pintuan para sakanya at nakawin ang gusto n'yang nakawin.

E ano naman kung magprocrastinate tayo? Wala lang. Mag c-cram lang naman tayo sa bandang huli. Worse? Hindi natin magagawa ang mga bagay na dapat nating ginawa at maiisip nating"sana ako pa rin, ako na lang, ako na lang ulit." "sana pala nung una palang ginawa ko na" pero huli na ang lahat. 

Paano ba maiiwasan ang procrastination? 

Time management po. :) Makakatulong ang paggawa ng schedule o paglilista ng things to do at paggamit ng planner.  Matuto tayo mag prioritize. Kung ano yung mga mahahalagang bagay, yun ang siyang unahin natin! sa ganyang paraan, maiiwasan natin ang pagkagahol sa oras. ;)

***


Kwentong Kuneho.


Habang busy ako sa paglalaro ng PSP... may batang lumapit sa akin.

JJ:Kuya! Alam mo ba kung ano ibig sabihin ng PSP?
Pao:Oo.
JJ:Sige nga! Ano?
Pao:Play Station Portable.
JJ:Hindi kaya...
Pao:Yun kaya. (seryoso)
JJ:Hindi ngaaaa! Alam ko!
Pao: (Nakukulitan na) E ano!?
JJ:PSP. Pogi Si Pao!
Pao: Wow! (gulat ako sabay ngiti) oh gusto mo maglaro? heto oh! *abot ng PSP

Para akong nauto! hahaha! Hayyy! Sa mga bata mo talaga malalaman ang katotohanan! ;)

Si JJ at ako


ciao!
Viewing all 34 articles
Browse latest View live